Saturday, November 6, 2010

DEKADA '80 - PANAHON KO 'TO!

Nauna sa atin ang Juan dela Cruz Band pero hihiram ako ng linya sa kanilang walang kupas na awitin "PANAHON"
Masdan mo ang mga ulap
Balikan mo ang iyong alaala
Mga araw na lumipas sa iyong buhay
Malalaman mo kung papaano
Liligaya sa buhay
Pagdating ng panahon
Naalala mo pa ba ang iyong kahapon
Hinahanap mo ang landas
Mga pangarap gusto mong maabot
Ngunit ikaw ay natatakot....
Pero diba pagkatapos ng maraming taon...nawala na ang takot? Ang takot na harapin ang bukas ay napalitan ng tapang na harapin ang lahat ng pagsubok. Ang bawat isa ay may kanya kanyang tinahak na landas. May napadpad sa malalayong lugar, may mga simpleng namuhay, may patuloy na lumalaban , may mga umaasa ng matagumpay na pag-ibig, may mga nagsisilbi sa bayan...at may patuloy na nagbibigay inspirasyon sa kaibigan, magulang at bayan.
Sa lahat ng ito ang kahapon pa rin ang isa sa bahagi na bubuo sa ating mga pangarap...samahan nyo ang blogsite na ito na magbalik tanaw sa ating highschool days...share nyo naman ang mga memories na bumubuo sa apat na taon sa II...mga lugar na tambayan o gimikan o kinakainan noon, mga kilalang jeep na pumapasada sa Imus, Binakayan, Zapote, Bacoor, mga teachers o school staff, mga kilalang band group, mga kantang markadong 80s, mga brand na di malimutan at kung ano ano pa....umpisahan ko na sundan nyo...
Punong Manga - inabot pa natin to, itinumba ng bagyo
Highschool Library
Bio-lab (fetus, mga ahas sa bote ng mayonaise, ang skull na laging ginagawang katatakutan, ang mga microscope na minsan lang natin nagamit sa pag check ng onion skin)
Spanish subject (tayo ang last batch sa Highschool yung sumunod sa atin wala ng Spanish subject)
Hungry tiger, Paper world, Magnolia House, New Imus Public Market
ang lambing na birong pangungurot ni Ma'am Teodones sa World History subject namin sa kanya
Ang 25 centavos na pamasahe pag medyo tinatamad maglakad from II to Imus Toll bridge.
Ang CED (Current Events Digest), weekly ba to?
Ang mango, buko, avocado o melon shake sa school canteen.
marami pa paki share naman...para sabay sabay nating sariwain ang Highschool days...

3 comments:

  1. share nyo naman ang mga naaalala nyo nong panahon na nasa Highschool pa tayo...for sure maraming makaka relate...

    ReplyDelete
  2. sarap balikan nang high skul life.......

    ReplyDelete
  3. ang sarap talagang balikan ang mga nakaraan...

    Naalala ko sa mga teachers natin si Mrs. Gabuat grabe lahat nakatayo sa klase niya kasi di makasagot sa recitation sa Social studies... Kay Mr. Permel naman grabe pahihiyain ka talaga kaya maraming umiiyak sa Spanish...Si Mrs. Sayas naman sa Geometry super bait...Si Miss Rieta ang hinhin pero mabait... Si Miss Balicao favorite teacher ko sa Math pero nagtuturo din siya ng Filipino... At si Mr. Samala sa Adv. Algebra naman grabe din pero ang galing magturo..Si Sir San Juan at Mrs. Aquino super kalog exempted nga ako sa YDT kasi sakitin ako. Si Sir Germino parang kuya ko yan kasi barkada siya ng mga kuya ko... Mahigpit siya sa school pero kalog din yun kala lang ng iba suplado... Sino pa bang mga teacher natin? Si Mrs Sabale ang galing din sa chemistry kaya naging favorite subject ko din pero ngayun wala na liot ko na yung mga formula...
    Si Mrs. Teodones sa World History ang lambing niya talaga galit na pero parang hindi...
    Si Mrs. Filomena Ramos teacher sa English sorry ma'am pero lagi kaming inaantok sa klase ninyo kasi ang hina ng boses ni ma'am kahit nasa harap ka na hindi mo pa maintindihan... Si Mrs. De Leon sa Physics eh may pagka terror din small but terrible galing niya...
    Sino pa ba? kayo naman mga classmates...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...